Mga tagasunod

Lunes, Mayo 9, 2016

mahal kita pero mahal mo sya

"Bakit kadalasan nag mamahal tayo ng may mahal ng iba?".... And suddenly, these thought came into my mind and minutes later I found myself typing and thinking.

Ilang beses kong iniisip kung bakit pero, hindi ko alam. May mga taong sadyang nag mamahal ng may mahal ng iba at meron namang hindi sinasadyang mahalin ang taong may mahal ng iba. ang gulo diba? kahit sino namang tao mahihirapan sa sitwasyon na ganon.

MAHAL KITA..... Yan ang sabi ng isip ko. Mahal nga ba talaga kita? Para saakin OO, Ilang beses ko yang tinanong sa sarili ko at ngayon OO ang sagot ko. Hindi ko alam kung paano nangyari lahat ng ito. Simple lang naman nung una. Crush lang naman talaga kita, pero habang tumatagal parang hindi na Crush yung nararamdaman ko. Habang nagiging close tayong dalawa na dadagdagan yung pag ka gusto ko sayo. Isang araw pag gising ko nasabi ko nalang na MAHAL NA PALA KITA. 

MAHAL KO SYA..... Pinaka masakit na salitang narinig ko na ng galing sa bibig mo. Alam ko namang masaya ka sa piling nya pero wag mo naman ipamuka saakin na sya ang mas kailangan mo. Ako ay isang kaibigan mo lamang na tanga na nag kagusto sa isang tulad mo na may mahal ng iba. 

" Tawagin nyo na akong tanga pero kayo kaya sa sitwasyon ko. Kaya nyo bang pigilan yung nararamdaman nyo sa isang tao?"

" MAHAL KITA PERO MAHAL MO SYA ".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento